

Ito ang Tamrac Velocity 6x, ang camera bag na binili ng aking kabiyak ilang linggo bago ang “photo shoot” nung Kadayawan sa Davao 2008 para raw maging komportable akong dala ang aming camera. Simula nung araw na nabili ang bag na yan ay di na nawalay sa akin o sa amin tuwing lumalabas kami ng bahay dala ang camera. Magmukha man kaming photographer kapag dala yan, mas gustuhin ko nalang kesa ilagay ang camera sa aking handbag na d naman safe at di dinesenyo para paglagyan ng DSLR.
Magandang araw ng Huwebes! Bumisita sa Litratong Pinoy para sa iba’t-ibang larawan ng bag. Read more… »
Posted on Sep 18, 2008 under Litratong Pinoy, Photography |

Ang paborito kong kulay sa pagsikat ng araw…ginintuang tubig at sikat ng araw na tumama sa tubig.
My favorite color in sunrise…golden water and sun rays reflected in the water. Read more… »
Posted on Jul 31, 2008 under Litratong Pinoy, Photography |
.png)
Dalampasigan o tabing dagat, ito ang pinakapaborito kong puntahan kahit ako ay lumaki sa gitnang bahagi ng Mindanao kung saan kailangan pa naming bumiyahe ng 2 oras para makapunta sa pinakamalapit na dagat sa aming bayan. Kaya siguro naging paborito ko ang dagat dahil isa o dalawang beses sa isang taon lamang kami nakakaligo sa dagat noon. Hindi man ako mahilig magbabad ng matagal sa tubig, gustong-gusto kong naglalakad sa dalampasigan habang lumalanghap ng sariwang hangin galing sa dagat. Sa tuwing ako ay may pagkakataong magtampisaw sa dagat ay d ko pinalalagpas. Kaya noong nakaraang Sabado, ako ay lumiban sa aking trabaho para sumama sa aking kapatid sa pagpunta nila sa dalampasigan sa gawing Hilaga ng Davao. Ang larawan ay kuha sa Bago Beach Resort sa Bago Aplaya.
Seashore or Beach, this is my most favorite place though I grew up in Central Mindanao where we need to travel at least 2 hrs to go to the nearest beach from our town. We only get the chance to bathe in the beach once or twice a year. I can’t stand being in the water for so long but I love walking in the shore and breathe in some fresh air. Since we seldom go to the beach, I made sure to grab each opportunity to be one with nature. Hence, I called for leave from work last Saturday to tag along with my sister who’s going to the beach somewhere in the southern part of the city. The photo was taken in Bago Beach Resort in Bago Aplaya.