Posted on Jun 26, 2008 under Litratong Pinoy, Photography |


Para sa tema ngayong linggo, ang napili kong larawan ay ang iba’t-ibang kulay ng lapis na sumisimbolo sa iba’t-ibang dahilan ng bawat isa kung bakit sila nag-aaral at sa iba’t-ibang sitwasyon ng bawat isang mag-aaral. May iba na napipilitang mag-aral at meron namang iba na nagsisikap para lamang makapag-aral kashit salat sa buhay.
For the weekly theme, i choose this photo of pencils in different colors representing the reasons and motivations of each one to pursue their education. While others lucky enough to go to school, others are working their way hard so that they may be able to go to school.
Posted on Jun 19, 2008 under Family, Life, Litratong Pinoy, Photography |


Ito ay isang puno…isang matayog na puno kung saan manggagaling ang ginagawang pundasyon at haligi ng isang karaniwang bahay. Ito ang aking napiling ilahok ngayong linggo para sa ting tema dahil ako ay naniniwalang ang AMA ang syang haligi ng tahanan. Ang ama ang syang nagsisilbing gabay at nagbibigay lakas sa kanyang pamilya sa anumang unos na dumarating.
This is a sturdy tree where the foundation and posts of a house came from. I chose this as an entry for this week’s theme because I believe that a FATHER should be the foundation of a family. A father serves as a guide and gives strength to the family in facing all the challenges in life that come along the way.
Posted on Jun 05, 2008 under Litratong Pinoy, Weddings |




Ang pag-iisang dibdib ay isang desisyon na pinag-iisipan ng milyong beses dahil sabi nga ng nakakatanda, ito ay “di parang kaning isusubo na iduduwal kapag napaso”. Ako ay naghahanap ng magandang larawan ng aming mga simbolo sa kasal ngunit wala akong makita. Kaya heto, pagtiyagaan nyo na lamang ang aming mga larawan ng pag-iisang dibdib. Halata bang kinakabahan kami sa unang larawan? D ko maipaliwanang aking nararamdaman habang pinapakinggan ang pangako sa akin ng aking magiging asawa sa Maykapal.
One should think a million times before getting married because it is not like eating rice that you can spit out when hot. I was looking for a nice photo of our wedding symbols but I haven’t found one so I am posting some of our wedding photos. Please bear with the photos.LOL. Do we look nervous in the first photo? I cannot explain my feelings while Ace makes his vow to me before God.